Friday, November 4, 2011

Beyond the Sea

hi, i'm cedirc this is another attempt to do a blog. Isa po akong programmer-analyst sa isang kumpanya sa Makati City.
Pag weekend, singer naman. Regular gig sa bahay namin :)

Mahilig ako sa mga palabas na may musika, kagaya ng Glee, American Idol, at Kitchen Musical. Sa katunayan may rerun ang star world ng Glee Project at Finale episode.

Eto si Damian McGinty from Ireland. Isa sya sa 2 nanalo sa patimpalak na ito. Ang Video sa ibaba ay hango sa nasabing huling kabanata ng programa.

Naibigan ko ito di lang dahil kalugod lugod sa pangin ang kanyang mukha kundi dahil nagustuhan ko ang napaka simple ngunit makasungkit pusong pag awit nya.

Sinasabing magkakaroon ng pagganap sa programang Glee ang mga nanalo.